--Ads--

Nakipag-ugnayan ang Davao City Police Station sa Regional Anti-Trafficking Task Force at Santiago City Police Office para marescue ang mga kababaihan.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking in Persons Act ang mga nadakip sa operasyon na kinabibilangan ng may-ari ng Crystal bar na si Enriqueta Mendoza, ang kanyang cashier na si Janet Suanzo at ang sinasabing nagrecruit sa mga babae na Alfedo Braka, 44 anyos, driver ng van taga-Metro Manila. Nakuha umano sa pag iingat ni Alfredo ang dalawang transparent plastic sachet na hinihinalang shabu.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni
Sr. Supt. Percival Rumbaua, director ng SCPO na ang operasyon ay isinagawa ng Station 1 ng SCPO, CIDG Regional Anti-Trafficking Task Force kasama ang CSWD.

Kakasuhan din si Braka ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos masamsaman umano ng 2 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Sinabi ni Supt. Rumabua na ang mga na-rescue na kababaihan ay iniulat ng kanilang mga kamag-anak na nawawala sa kanilang lugar. Sa kanilang paghahanap at pagtatanong ay may nagsabi sa kanila na napunta sa Lunsod ng Santiago kaya hiniling nila ang tulong ng Davao City Police Station para sila ay marescue.

Nahikayat umano ang mga babae na pumunta sa Lunsod ng Santiago dahil pinapangakuan ng ng magandang bayad.