--Ads--

Handang-handa na ang buong hanay ng Cauayan City Police Station para sa unang araw ng Misa de Gallo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Avelino Canceran Jr., hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niyang nakahanda ang buong hanay ng PNP Cauayan para sa deployment ng mga police personnel sa unang araw ng Misa de Gallo.

Aniya, ang deployment ay isasagawa sa mga strategic areas, lalo na sa mga pampublikong lugar kung saan inaasahang dadagsa ang mga tao.

Makakatuwang nila sa pagbabantay ng seguridad ang mga BPATs, POSD, BFP, at iba pang force multipliers.

--Ads--

Inaasahan ng PNP na dadagsain ng tao ang unang gabi ng misa, kabilang ang mga estudyanteng hindi pa nagbabakasyon. Kaya’t kinakailangang maglagay ng sapat na bilang ng mga tauhan upang mapanatili ang kaayusan.

Samantala, bago magsimula ang Simbang Gabi ay nagsasagawa ang PNP ng “Project Scuba” sa mga business establishment upang matiyak na walang masasalisihan ngayong holiday season at maiwasan ang insidente ng pagnanakaw sa lungsod.

Tiniyak naman niya na sapat ang bilang ng kanilang mga tauhan upang makapagbantay sa kanilang nasasakupan.