--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahandog ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station ng libreng sakay sa mga mamamayan sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang Public Information Officer ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na ang libreng sakay ay handog nila sa mga mamamayang nahihirapang magtungo sa kanilang dapat puntahan dahil sa kawalan ng sariling sasakyan o masasakyan pampublikong transportasyon patungo sa poblacion.

May mga pagkakataon aniya na sa Checkpoint ay may sobrang sakay na ipinagbabawal kaya pinapababa ang mga pasahero at sila na mismo ang maghahatid sa mga ito sa poblacion.

Kapag may nagtutungo naman sa kanilang himpilan na walang masakyan pauwi dahil walang masyadong nagpupuntang tricycle doon kaya hinahatid nila ang mga ito sa kanilang pag uwi.

--Ads--

Maging ang mga taong naglalakad sa kalsada na walang pamasahe o namamahalan sa pamasahe ay hinahatid din ng mga pulis sa kanilang pupuntahan lalo na kung may dala-dala pa ang mga ito.

Maliban dito ay patuloy ang Cauayan City Police Station sa pagsasagawa ng programa kahit pa nakasailalim ang lunsod sa GCQ Bubble at karamihan ay isinasagawa virtual o online platform at ang iba ay nagtutungo sa mga barangay.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt. Scarlette Topinio, ang Public Information Officer ng Cauayan City Police Station.