--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabala ang pamunuan ng Cauayan City Police Station sa mga negosyante o rice dealer na lalabag sa ipinapatupad na price ceiling sa bigas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr. ang hepe ng Cauayan City Police Station sinabi nito na katuwang ng Department of Trade and industry at Department of agriculture ang kapulisan sa pagtitiyak sa implementasyon ng pagpapababa ng bigas na 45 pesos sa well milled rice at 41 pesos naman sa regular milled rice.
Aniya nakikiisa ang kapulisan sa pagbabantay sa mga mapagsamantala at may mga maaring ipataw na parusa sa mga mahuhuling nagbebenta ng overpriced.










