--Ads--

Pinaghahandaan na ng Cauayan City Stand Alone Senior High School (CCSASH) ang ilang pagbabago sa academic strand ngayong taon para sa Senior High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. John Mina, sinabi niya na may pagbabago sa strand kung saan ipapatupad ang pilot implementation sa CCSASH ngayong school year 2025-2026.

Ngayon ay may bagong Senior Highschool Curriculum sa ilalim ng Strengthen Senior High School Program kung saan dalawang track ang iiral pangunahin ang Academic Track at Tech Pro.

Magkakaroon ng clustering ng mga estudyante base sa mga pinili nilang elective subjects.

--Ads--

Ang HUMS, ABM,at Arts and Design ay pinagsama na sa Academic track habang ang TLE ay inilagay na sa Tech Pro.

Ang kagandahan aniya sa bagong programa ay hindi malilimitahan ang estudyante sa napili nilang track dahil papayagan silang kumuha ng elective subjects sa ilalim ng ibang track na related Sa kursong kukunin nila sa kolehiyo.

Nagkaroon din ng decongestion ng mga curriculum na mula sa 15 ay ginawa na lamang lima na malaking ginhawa para sa mga Senior Highschool.

May option na rin para sa 4 days a week na pasok na may 1hr. session sa kada klase.

Sa katunayan aniya sampung guro ng CCSASH ang dumalo sa training para sa Stregthen Senior High School Program na siya namang mag cacascade sa mga kapwa guro maliban pa sa mass training na isasagawa Regionwide.