Puspusan na ang ginagaw ang paghahanda ng mga guro sa Cauayan City Stand Alone Senior High School (CCSASH) para sa isasagawang Computer based National Achievement Test sa mga Grade 12 students ng nasabing paaralan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay School Principal IV John Mina ng CCSASH, isa sa mga tinutukan nila ngayon ay ang mga gagamitin ng mga mag-aaral para sa NAT examination.
Aniya, mahigit 1500 na mga Grade 12 students ang kailangang kumuha ng pagsusulit at hinati hati na nila ito sa per batch upang matiyak na lahat ay makakapag exam.
Nakatakda itong magsimula sa darating na lunes kung saan gagawing per batch ang pag-eexam na tatagal ng anim na araw.
Tiniyak din ng school principal na hindi maapektuhan ang klase ng mga estudyante dahil nahahati naman ito at may scheduling na gagawin.
Magpapatuloy din ang klase ng mga Grade 11 learners dahil hindi naman apektado ang kanilang klase habang may NAT ang mga Grade 12.
Gagamitin din ang mga computer units ng Cauayan City National High School para makuha nila ang kinakailangang bilang ng makakapag exam kada araw.











