--Ads--

CAUAYAN CITY – Naipamahagi na ng City Veterinary Office ang tatlumpung sentinel piglets sa mga hog raiser na namatayan ng mga alagang baboy dahil sa African Swine Fever o ASF.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Ronald Dalauidao, City Veterinary Officer, sinabi niya na naipamahagi na nila ang tatlumpung sentinel piglets sa tatlumpung hog raisers na may kasamang feeds ngayong buwan.

Ang mga biik ay oobserbahan ng mga benepisaryo sa loob ng apatnapu’t limang araw habang inaalagan.

Kapag nakumpirmang walang sakit ang mga ito sa loob ng nasabing araw ng pag-aalaga ay dadagdagan ng dalawang biik.

--Ads--

Ayon kay Dr. Dalauidao, bago nila ipinamahagi ang mga sentinel piglets ay nagkaroon muna ng seminar ang mga benepisaryo at ibinahagi sa mga mag-aalaga na kailangan ay malagyan ng kulambo at ma-disinfect muna ang kulungan ng mga baboy upang hindi tamaan ng sakit.

Sinabi ni Dr. Dalauidao na ang unang batch na kanilang ipinamahagi ay sa West Tabacal Region at Tanap Region.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Ronald Dalauidao.