--Ads--

Tiniyak ng Cauayan District Hospital sa publiko na sapat ang anti rabies vaccine para sa mga nagtutungo sa pagamutan upang magpabakuna.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Doctor Herrison Alejandro, ang hepe ng nasabing ospital, sinabi nito na walang kakulangan at sapat ang anti rabies vaccine para sa mga nagtutungo sa ospital

Aniya, wala dapat ikabahala ang publiko hinggil sa suplay ng bakuna dahil nanggagaling ito sa Department of Health at sa Provincial Health Office.

Nilinaw din niya na hindi lahat ng nagtutungo sa CDH ay agad nababakunahan dahil dumadaan ito sa screening at categorization ng mga doktor.

--Ads--

May mga pumupunta rin kasi sa ospital na gustong magpabakuna kahit pa hindi pasok sa categorization na sila ay mabigyan ng bakuna

Ayon pa sa hepe, isa rin sa dahilan kung minsan ay hindi agad nabibigyan ng bakuna ang mga ito ay dahil sa bilang ng mga nagpapabakuna

Sa huli, hinikayat ng manggagamot ang publiko lalo na ang mga nakagat ng mga aso, pusa o unggoy na magtungo sa pinakamalapit na ospital upang magpabakuna.