CAUAYAN CITY- Ibinida ng Cauayan’ Elite Search and Rescue Squad o ang kahandaan ng mga mga ito pagdating sa rescue mission.
Ang grupo na siyang elite squad ng CDRRMO Cauayan ay mayroong mga kagamitan para sa ibat ibang rescue mission Kabilang dito ay mga drones, mga gamit sa bundok, pansisid, pantanggal sa mga naiipit at iba pa.
Ayon kay CEASAR Head Benjomar Salvador, sila ang pangunahing tumutugon sa technical side ng rescue mission Ibig sabihin, maliban sa ginagawang pagresponde ng Rescue 922, pangunahin ang kanilang team sa pagtugon sa mga mahihirap na sitwasyon Gaya na lamang ng drowning incident, search and rescue mission, pagtatanggal sa mga naiipit na biktima ng mga vehicular accident, pagkakaroon ng Mobile Command Center at iba pa.
Bukod pa rito, isa rin sa mga ginagawa ng elite squad ay ang pagpunta sa ibang mag bayan upang tumulong sakaling irequest sila ng mga bayan na nangangailangan nito.
Kabilang sa huling pinuntahan ng Elite Squad ay ang probinsya ng Pangasinan kung saan sila tumulong sa Search and Rescue Mission.
Ang mga ito rin ay sumailalim sa ibat ibang klase ng trainings may kaugnayan sa rescue mission, sa tubig man, kalupaan at maging sa himpapawid. Ayon sa opisina, nakahanda ang kanilang hanay na tumugon sa anomang klase ng sakuna.











