--Ads--

Nagsagawa ng pagsusuri sa mga drainage canals pangunahin na malapit sa mga bangko at financial establishments ang Cauayan City Police Station upang maiwasan ang mga pagnanakaw gamit ang tunneling.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol. Ernesto Nebalasca Jr., Chief of Police ng Cauayan City Police Station sinabi niya na sa pamamagitan ng Project E-SCUBA o Enhanced Searches inside E-Canals and Underground against Bank Attack ay iniikutan nila at sinusuri ang mga drainage canals sa lungsod pangunahin na malapit sa mga bangko at iba pang financial establishments.

Sinusuri nila ang mga maaring pasukan ng mga magnanakaw gamit ang tunneling.

Ayon kay karaniwang buwan-buwan ang kanilang inspection ngunit ang mga malalalim na canals ay quarterly ang kanilang isinasagawang pagsusuri.

--Ads--

Nakikipagcoordinate naman sila sa Bureau of Fire Protection at City Engineering Office para sa mga lugar na hindi mapasok ng kanilang personnel.

Pinapahiram naman sila ng oxygen tanks at iba pang equipment para mapasok ang mga malalalim na canals.

Matatandaang tunneling ang ginamit ng mga magnanakaw sa panloloob sa ilang establisimento sa lungsod ng Santiago at Tuguegarao.

Ito aniya ang kanilang iniiwasang mangyari sa lungsod kaya maigting ang kanilang isinasagawang inspeksyon.

Maliban sa inspeksyon ay iniikutan din ng mga pulis ang mga financial establishments lalo na tuwing weekend na walang katao-tao sa mga nasabing lugar.