--Ads--

Umaasa ang Cauayan South Central School na dadami pa ang mga mag-a-apply na guro na magtuturo sa Special Education (SPED) ngayong school year lalo pa at nasa higit 100 ang estudyante na may special needs.

Matatandaan na sa lungsod ng Cauayan, isa ang nabanggit na paaralan sa mga nakatutok sa mga disabilities ng mga estudyante at may sarili silang silid aralan at guro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Principal Albert Perico, sinabi niya na noong nakaraang school year ay mayroong 10 na guro, at inaasahang dadami pa ngayon dahil sa tulong ng DepEd.

Sa ngayon, bagaman sapat na ang bilang ng mga guro kung ikukumpara sa 5 lamang na guro noong mga nakalipas na pagkakataon, aminado ang paaralan na matindi pa rin ang pangangailan nila ng guro upang maayos ang schedule ng pag-aaral ng mga estudyante sa SPED.

--Ads--

Aniya, hindi ito katulad ng ordinaryong klase na kayang turuan ng isang guro ang lahat ng estudyante, dapat kasi aniya na ang isang blind teacher ay siya rin ang magtuturo sa mga blind student.

Dahil dito ay hinihintay na lamang na maaprubahan ang karagdagang kaguruan upang maayos ang scheduling.

Sa ngayon, ilan sa mga estudyante sa SPED ay mayroong mga physical disabilities, ADHD, Downsyndrome, spectrum disorder, at ilan pang disabilities.