CAUAYAN CITY – Hindi inasahan ng Rank 1 sa katatapos na Certified Bookkeeper Examination na siya ang mangunguna sa naturang pagsusulit matapos makakuha na ng 97% na score.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauaayan kay Banjo Villanueva, mag-aaral ng Our Lady of Pillar College at Rank 1 sa Certified Bookkeeper Examination, sinabi niya na inasam lang niya na makapasa para maging certified bookkeeper ngunit hindi niya lubos akalain na labis-labis ang ipinagkaloob sa kaniya ng panginoon.
Aniya, karamihan sa mga nagtake ng naturang pagsusulit ay mga professionals habang siya ay nag-aaral pa lamang.
Nasa bahay umano siya nang may mag-send sa kanilang group chat ng listahan ng mga Passers at una nitong nakita ang kaniyang pangalan na nasa unahan.
Labis umano ang kaniyang tuwa at nang kaniyang pamilya na proud sa kaniyang tagumpay.
Sumailim umano siya sa isang buwang course sa bookkeeping na may tatlong online sessions bako sumabak sa examination.
Iniaalay naman niya sa kaniyang tagumpay sa kaniyang sarili at sa kaniyang magulang na patuloy na sumusuporta sa kaniya.
Samantala, pumanglima naman sa naturang pagsusulit si Kian Elbert Lizarte na mula sa Isabela State University – Echague Campus.