--Ads--

Umaabot hanggang tatlong buwan ang ibinibigay ng Cauayan City Water District (CCWD) bago putulin ang suplay ng tubig ng mga consumer na hindi nakakapagbayad sa itinakdang deadline.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Artemio Quintero, General Manager ng CCWD, sinabi nitong karaniwang isang buwan lamang ang palugit sa iba pang water districts sa Pilipinas bago putulin ang serbisyo.

Ngunit sa Cauayan, dahil nais nilang bigyan ng pagkakataon ang kanilang kababayan, pinahaba nila ito ng hanggang tatlong buwan at personal na kinakausap ang mga consumer na hindi nakabayad.

Isa ito sa ginagawang paraan ng water district upang mabigyan ng pagkakataon ang mga consumer na makapagbayad ng kanilang bayarin sa tubig.

--Ads--

Isa kasi ito sa necesity ng tao ang bayarin sa tubig kaya ganito ang kanilang ginagawang aksyon para hindi maputulan ang mga ito.

Giit ng water district, napakahaba na ng palugit na ibinibigay sa mga mamamayan, ngunit paalala nila sa publiko na huwag gawing nakasanayan ang hindi agarang pagbabayad, upang maiwasan ang putol ng serbisyo.