Ikinagalak ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng Cauayan ang naitalang zero casualties matapos ang pananalasa ng Bagyong Nando sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bong Forto, Operations Coordinator ng Command Center, kinumpirma niyang walang naitalang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig at wala ring iniulat na naapektuhang residente, maliban sa mga apektado kahapon ng hindi madaanan na Alicaocao Overflow Bridge.
Ayon kay Forto, marahil ay dahil sa hindi malakas na pag-ulan ang naranasan kaya’t hindi naapektuhan ang mga karaniwang binabahang lugar. Kaugnay nito, may ilang lugar lamang ang pansamantalang nawalan ng kuryente ngunit agad ding naibalik ang suplay.
Dagdag pa niya, patuloy ang ginagawang pagbabantay at monitoring ng kanilang tanggapan upang matiyak ang kaligtasan ng mga Cauayeño.











