Nananatiling nakataas sa red alert status ang buong City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng lungsod ng Cauayan dahil sa pag-ulang dala ng Bagyong Ramil.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Michael Cañero ang Head ng BGD Command Center sabado pa lang ay nakataas na ang red alert status ng buong lungsod bilang paghahanda sa nasabing Bagyo. Aniya sa ngayon, pagtaas lamang ng lebel ng tubig ang kanilang sinusubaybayan na epekto nito.
Patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig kung saan dalawang tulay na ang hindi madaanan sa kasalukuyang tala ng opisina. Partikular dito ang tulay ng Pangulo at ang Alicaocao overflow bridge.
Wala pang naitatala na evacuees ang opisina batay sa pinakahuling ulat na kanilang natatanggap. Handa rin ang CDRRMC Cauayan na tugunan ang pangangailangan ng mga residente na lumikas lalo na sa pagkain.











