--Ads--

CAUAYAN CITY- Iginiit ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) na mayroong binuong grupo ang ahensya para sa paghahanda sa anumang uri ng kalamidad tuwing Ber months.

Sa panyam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ronaldo Villoria, CDRRM Officer, sinabi niya na ang paghahanda ay hindi lamang ginagawa kung kailan may sakuna, ito aniya ay pinaghahandaan na bawat taon at bago pa man dumating ang bagyo.

Naka pre-positioned na aniya ang lungsod para sa mga bagyong paparating lalo na sa posibleng pagkalubog sa baha ng mga kabahayan.

Aniya, bumuo ng Camp Coordination at Camp Management team, na itatalaga sa paglikas ng mamamayan patungong evacuation center.

--Ads--

May mga individwal rin aniya na sumailalim sa training para sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis para maging tugma ang lahat ng datos na lalabas sa rescue operation.

Bukod dito, ipinagbibigay alam pa ng CDRRM na mayroon nang 9 na bangka na ibinigay sa mga flood prone barangays upang mayroong magagamit sakali mang malubog sa baha.

Dagdag pa ni DRRM Officer, nakaalerto na rin ang 5 substation ng ahensya, partikular ang Quick Response Base o QRB1 sa Cabaruan, QRB2 sa Villa Luna, QRB 3 sa Nungnungan, QRB4 sa Buena Suerte, at QRB5 sa Forest Region.

kampante ang CDRRMC na anumang sakuna ay walang dapat ikabahala ang taumbayan dahil sa well trained din aniya ang mga opisyal ng barangay.