--Ads--

Magbabalik sa entablado si Megastar singer Celine Dion matapos ang mahabang pahinga dahil sa bihirang kondisyon sa kalusugan. Sa video sa social media, sinabi ng 58-anyos na Canadian na bumuti na ang kanyang kalagayan at magpe-perform siya sa Paris simula Setyembre.

Noong 2022, inihayag ni Dion na siya ay may Stiff Person Syndrome, isang hindi gumagaling na autoimmune disorder, kaya kinansela niya ang kanyang mga shows. Sa kabila nito, nangako siyang babalik sa entablado.

Si Dion ay nag-umpisa sa world stage noong 1988 sa Eurovision at nakabenta ng higit 260 milyong album, nanalo ng limang Grammys, at naging tanyag sa kantang My Heart Will Go On.

Nakaiskedyul siyang mag-perform ng 10 shows sa Paris La Defense Arena simula Setyembre 12.

--Ads--