--Ads--
CAUAYAN CITY – Mahalaga ang Certificate of No Marriage (CENOMAR) para makalahok sa gaganaping kasal ng bayan o Mass Wedding sa San Mateo, Isabela.
Ito ngayon ang kinukuha ng mga mamamayan sa tanggapan ng Civil Registrar sa San Mateo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Charles Mendoza ng Municipal Civil Registrar’s Office San Mateo na isasagawa ang Kasalang Bayan sa February 9, 2018 kaya kanila na itong pinaghahandaan.
Hinikayat niya ang mga nagsasamang hindi pa kasal at ang mga magkasintahang nais nang magpakasal na makipag-ugnayan sa Civil Registrar’s Office sa San Mateo dahil libre ang filling fee ng kasalang bayan at kung mayroong babayaran ay kakaunti lamang.
--Ads--




