--Ads--

Kasama na sa plano ng City Environment and Natural Resources Cauayan ang pagpapaganda sa mga water impounding areas sa lungsod ng Cauayan

Nais kasi ng CENRO na kasabay ng pagpapatupad ng environmental welfare ng mga water impounding areas ay ang gawin itong tourist destination.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Alejo Lamsen, sinabi nito na katuwang nila sa plano ang City Agriculture Office at City Tourism ng lungsod.

Kasama rin dito ang mga Barangay officials na siyang pangunahing makakatuwang ng ahensiya sa planong gawin sa mga water impounding areas.

--Ads--

Aniya, ang ganitong proyekto ay malaking tulong para maipromote ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng isang lugar.

Alinsunod din ito sa panawagan ng probinsya na pangangalaga sa kalikasan at pagtatanim bg mga puno dahil balak ding tamnan ng CENRO ang gilid nf mga water impounding area ng mga puno.