--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaliwanag ang pamunuan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) San Isidro tungkol sa kanilang pagputol ng mga puno kabilang ang ilang centennial tree na matatagpuan sa gilid ng national highway sa Southern Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauyan kay CENRO Felix Ganapin, sinabi niya na sa Build, Build, Build Project ng Duterte Administration ay nakapaloob ang road widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Aniya, naghahain ang DPWH ng tree cutting permit para sa mga matatamaang puno sa road widening na isinusumite sa kanilang tanggapan.

Nagsasagawa naman ng beripikasyon at imbentaryo ang CENRO sa mga maapektuhang punong kahoy bago ibigay ang kanilang permit.

--Ads--

Ayon pa kay CENRO Ganapin, may standard measurement na sinusunod ang mga DPWH kaya kahit nakalulungkot dahil pati ang mga centennial trees ay nadadamay, kailangan nila itong gawin upang bigyang daan ang proyekto.

Nakapaloob sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DPWH at DENR ang pagpalit ng 100 seedlings sa bawat punong maitatalang apektado ng road widening.

Ayon pa kay CENRO Ganapin, kailangang magbigay ng request letter at certification galing sa COA ang ilang mga government agencies na kukuha sa mga pinutol na kahoy para sa kanilang proyekto upang matiyak na sa mabuti mapupunta ang mga ito.

Ang pahayag ni CENRO Felix Ganapin