--Ads--

Nagbitiw na sa puwesto si Andy Byron, CEO ng start-up tech company na Astronomer, ilang araw matapos siyang mahuli sa gitna ng isang umano’y affair sa kiss cam sa isang concert ng Coldplay sa Boston.

Ang kontrobersyal na insidente ay nangyari nitong Miyerkules ng gabi, habang tumutugtog ang Coldplay sa Boston. Sa gitna ng konsiyerto, ipinakita sa jumbotron ang ilang couple sa pamamagitan ng kiss cam. Nang ma-feature ang isang magkaakbay na pares, agad silang naghiwalay at tumalikod sa camera upang itago ang kanilang mga mukha—na agad umani ng hinala mula sa mga manonood.

“Either they’re having an affair, or they’re just very shy,” biro ni Coldplay frontman Chris Martin sa gitna ng pagtatanghal.

Makalipas lamang ang ilang oras, kumalat ang naturang video sa TikTok at umabot na sa mahigit 55 milyon views. Kinilala ang mga nasa video bilang si Andy Byron at ang Chief Human Resources Officer ng Astronomer na si Kristin Cabot.

--Ads--

Si Byron ay kasal sa isang babae na kinilalang si Megan Kerrigan Byron, habang si Cabot ay sinasabing kamakailan lang na-divorce, ayon sa ulat ng Rolling Stone. Hindi malinaw kung si Cabot ay may ibang karelasyon sa kasalukuyan.