CAUAYAN CITY – nagtamo ng bali sa katawan ang isa sa dalawang sakay ng cessna plane 152 RPC 1955 na bumagsak pagitan ng Pantabangan, Nueva Ecija at Maria Aurora, Aurora province
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Captain Reynaldo Aragones, Civil Miltary Operations Officer ng 56th Infantry Batallion Phil. Army na nakahimpil sa Aurora, nakatanggap sila ng ulat na pagbagsak ng isang cessna plane sa kanilang nasasakupan.
Ang Cessna plane 152 RPC 1955 ay pag-aari ng Fly Fast Flying School.
Sinabi ni Captain Aragones na kaagad nilang na-contact ang piloto ng cessna plane na si Captain Albert Galvan at tiniyak na nasa mabuti siyang kalagayan ngunit nabalian sa katawan ang isa niyang kasama dahil sa pagpagsak ng nasabing eroplano.
Hindi anya nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil baka ma-drain ang baterya ng cellphone ng piloto.
Sinabihan anya niya si Captain Galvan na magsunog upang lumikha ng usok sa kanilang kinaroroonan para mapadali ang pagligtas sa kanila.
Sinabi naman ni Engineer Amado Nelson Egarge, ang PDRRMO ng Aurora sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo na magkatuwang na nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga kasapi ng 56th Infantry Batallion at PDRRMO ng Aurora.
sa naging exklusibing panayam pa ng Bombo Radyo Cauayan Engineer Amado Nelson Egarge kanyang sinabi na bumagsak sa matarik na bundok ang eroplano kayat nahihirapan sila ngayon sa kanilang rescue operation.