Handang-handa na ang Jones Police Station para sa “Ligtas SUMVAC 2026” para sa nalalapit na summer vacation o holy week.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Mervin Delos Santos, Chief of Police ng Jones Police Station, sinabi niya na 24/7 na naka-deploy ang kanilang mobile patrollers, at mayroon ding checkpoints na nakatalaga sa mga pangunahing kalsada upang maramdaman ang presensya ng kapulisan sa kanilang nasasakupan.
Mayroon nang pakikipag-ugnayan ang kapulisan sa mga barangay sa pamamagitan “Hepe sa Komunidad” program para maiparating ang mga impormasyon na dapat tandaan at gawin upang matiyak ang kaligtasan sa bayan ng Jones ngayong summer season.
Nakikidalo rin ang kapulisan sa mga barangay assembly upang mapaalalahanan ang mga residente na mag-ingat lalo na sa kanilang pagtungo sa mga ilog upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod.
Samantala, sa pagdiriwang ng Pinilisa Festival sa bayan ng Jones ay magkakaroon ng parada sa March 26 at 28 ganap na ala-siete ng umaga kaya pinapayuhan ang mga motorista na iwasan munang daan patungong Quirino Province via Echague-Jones, at Vice Versa ng San Agustin-Echague sa mga nasabing oras upang makaiwas sa abala.











