Kinoronahan bilang Mutya ng Cauayan 2026 si Cheery Lee Garlejo mula sa Alicia, Isabela. Ang mga runner-up ay sina Leanna Soriben, Krizel Ann Pilar, Maricris Causo, at Emma Marie Stewart.
Bukod sa titulo, nakakuha rin si Cheery Lee ng ilang special awards, kabilang ang Best in Long Gown.
Si Leanna Soriben naman ang Best in Swimsuit, habang si Emma Marie Stewart ay nakakuha rin ng parehong parangal.
Si Ashley Jane Bueno ang itinanghal na Miss Photogenic, at si Chloe Uyami naman ang Miss Congeniality.
Labing-limang kandidata ang nagtagisan ng ganda, poise, at talino, subalit nangibabaw si Mutya #12 Cheery Lee Garlejo, na lalong nagniningning sa Question and Answer Portion.
Sa kanyang kasagutan, binigyang-diin ni Cheery Lee ang kahalagahan ng kultura at tradisyon ng mga Cauayeño, kasabay ng pagsusulong ng inobasyon para sa hangaring maging Smart City of the Nation sa hinaharap.
Naniniwala siya na ang tunay na progreso ay makikita sa kung paanong naisasabuhay ang kultura at tradisyon sa tulong ng teknolohiya at wastong kaalaman, na magsisilbing gabay at tulong para sa mga nasa marginalized sector.





