--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinasagawa ang chemical at heat disinfection sa pamamagitan ng blow torch para ganap na mapuksa ang virus na nagdudulot ng African Swine Fever (ASF) upang muling makapag-alaga ng baboy ang mga hog raisers pagkatapos ng ilang buwan na walang nang maitalang baboy na tinamaan ng virus.

Umakyat sa 33,708 na baboy ang isinailalim sa culling mula sa 391 barangay sa Isabela dahil sa epekto ng ASF.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan  kay Provincial Veterinary Officer Angelo Naui, sinabi niya na ang naturang bilang ay mula sa 29 na bayan at lunsod sa lalawigan.

Ang Isabela ay  nasa proseso ngayon ng  chemical disinfection at heat disinfection sa pamamagitan ng blow torch ng 5th Infantry Division Philippine Army.

--Ads--

Ayon kay Dr. Naui, mas mapapabilis ang disinfection kung pagsasabayin ang chemical at heat disinfection.

Kapag  umabot ng  tatlo hanggang apat na buwan na hindi na makapagtala ng kaso ng ASF ang isang barangay ay maaari nang bigyan ng test pigs upang malaman kung may presensiya pa ng ASF sa nasabing lugar.

Inamin ni Dr. Naui na aabutin pa ng hanggang isang taon bago magkaroon ng mga bagong tustos ng baboy ang Isabela kung magpapatuloy na wala nang maitalang kaso ng ASF sa loob ng apat hanggang limang buwan.

Ang pahayag ni Dr. Angelo Naui.