--Ads--

Nagdebelop ng isang espesyal na chewing gum ang mga scientist sa Finland at U.S. na kayang labanan ang mga virus tulad ng flu at herpes.

Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang gum na ito ay gawa sa pinulbos na buto ng lablab bean at may natural na protina na tinatawag na FRIL, na kayang mag-neutralize ng mga virus.

Ang gum na ito ay isang breakthrough sa medisina dahil ang simpleng chewing gum ay maaaring magbigay ng proteksiyon laban sa mga virus na karaniwang sanhi ng sakit.

Sa mga eksperimento, napatunayan na ang gum ay epektibo sa pagpapababa ng viral load ng flu ng higit sa 95 percent. Para naman sa herpes virus, mas maliit na halaga lang ng FRIL ang kailangan.

--Ads--

Ayon sa mga eksperto, ang gum ay ligtas gamitin at kayang tumagal ng hanggang 800 araw nang hindi nasisira o nawawala ang bisa nito.

Bukod pa rito, ang gum ay susunod sa mga high standards ng mga gamot at pagkain, kaya tiyak na ligtas para sa kalusugan.

Ang ideya ng gum ay nabuo noong panahon ng COVID-19 pandemic bilang solusyon sa pagkalat ng mga virus sa laway.

Sa tagumpay ng kanilang eksperimento, umaasa ang mga scientist na magsisimula na ng human trials at susubukan din ang gum laban sa iba pang mga delikadong virus, tulad ng bird flu at iba pang mga uri ng herpes.

Kung magtatagumpay ang mga susunod na eksperimento, posibleng maging malaking tulong ang gum na ito sa pagpapabuti ng ating kalusugan at pag-iwas sa mga virus na mahirap gamutin.

VIA Philstar