Matagumpay na isinagawa ang Chichacorn Food Processing and Packaging sa City Agriculture Office dito sa lungsod ng Cauayan
Ito ay alinsunod pa rin sa pagdiriwang ngayong buwan ng National Womens Month kung saan isa lang ang Chichacorn sa mga naging aktibidad ng City Agriculture Office
Nauna kasi rito ay nabigyan din ang hanay ng mga kababaihan ng mga seedlings at nagkaroon na rin ng Tilapia seminar kamakailan na pawang mga kababaihan din ang kanilang mga participant
Ayon kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, bagaman patapos na ang buwan ng Marso ay kailangan nilang isagawa ang mga ganitong aktibidad para sa mga kababaihan
Aniya, sa ganitong paraan man lamang ay maipakita ng opisina ang suporta nito sa mga kababaihan lalo na ngayong National Womens Month
Samantala, dinaluhan ang chichacorn production adn packaging ng mga womens group sa lungsod ng Cauayan na hindi bababa tatlumpung kababaihan.