--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalitan bilang chief Intelligence Branch ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) si PMajor Bienvenido Reydado na inakusahang isa sa mga ninja cops na humarap sa Senate hearing.

Si PMaj Reydado ang dating provincial director ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Pampanga na sinampahan ng kaso noong 2014 dahil sa paratang na pagrecyle ng mga nakumpiskang droga sa isang Chinese druglord sa isinagawang drug operation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt Sharon Mallillin, Information Officer ng CPPO na naitalaga roon si PMajor Reydado mula noong July 18, 2019 at marami na ring nagampanan sa kampanya kontra droga.

Matapos na ma-relieve si PMajor Reydado bilang hepe ng Intelligence Branch ng CPPO ay na-assign siya sa Provincial 1st Manuever Platoon.

--Ads--

Ayon kay PCapt Mallillin, layunin din ng pag-relieve kay PMaj Reydado bilang hepe Intelligence Branch ng CPPO ay para hindi mabahiran ng pagdududa ang mga operasyon nila kontra droga.

Ang tinig ni PCapt Sharon Mallillin