Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagmamanman sa Chinese aircraft carrier Shandong malapit sa bansa habang isinasagawa ang joint military drills kasama ang United States at Japan sa ilalim ng taunang Balikatan exercises.
Ayon kay AFP public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad ipinasa niya ang karagdagang detalye sa Philippine Navy.
Nangyari ito habang tumitindi ang tensyon, sa gitna ng pagtutol ng China sa mga pagsasanay at pagtawag dito bilang nakakapagpagulo sa rehiyon.
Ayon sa Foreign Ministry ng China, nagdadala umano ang Pilipinas ng “strategic and tactical weapons” at banta pa nila, na ang mga naglalaro ng apoy ay mapapahamak dito.
Patuloy namang hindi kinikilala ng China ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration na pumabor sa Pilipinas.











