--Ads--

Nagpulong noong Pebrero 12 sina Jing Quan, Chinese Ambassador to the Philippines, at Jonvic Remulla, Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), upang pag-usapan ang mas pinaigting na kooperasyon sa pagpapatupad ng batas sa bansa.

Ayon sa Embassy of the People’s Republic of China in the Republic of the Philippines, tinalakay rin sa kanilang pagpupulong ang pagtiyak sa kaligtasan, gayundin ang pangangalaga sa lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayang Tsino sa Pilipinas.

Nauna nang nanawagan si Quan sa pamahalaan na makipagdiyalogo sa China upang makahanap ng mga solusyon sa umiiral na mga hindi pagkakaunawaan.

Samantala, inaprubahan kamakailan ng Senate of the Philippines ang isang resolusyon na kumokondena sa umano’y hindi diplomatikong pahayag ng ilang opisyal ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng Pilipinas na nagpapahayag ng kanilang paninindigan hinggil sa isyu ng West Philippine Sea at pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

--Ads--