--Ads--
Itinanggi ng Embahada ng China sa Pilipinas na sangkot ang China sa pang-iispiya.
Ayon kay Chinese Embassy spokesperson Ji Lingpeng na mahigpit na sinusunod ng China ang principle ng non-interference sa ibang mga bansa.
Mahigpit aniya nilang kinokondina ang pahayag ng National Security Council (NSC) ukol sa alegasyon ng pang-iispiya.
Magugunitang ibinunyag ng NSC na mayroong ilang empleyado ng gobyerno ang kanilang naaresto na sangkot sa pang-iispiya.
--Ads--
Ang mga ito aniya ay binayaran ng China para magbigay ng mga sensitibong impormasyon.









