--Ads--

Naghain ng diplomatic protest ang Chinese Embassy sa Maynila laban kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Jay Tarriela dahil sa isang Facebook post na may cartoon image ni Chinese President Xi Jinping.

Nagpalitan ng pahayag ang PCG at Chinese Embassy kaugnay ng mga isyu sa West Philippine Sea, na matagal nang pinagtatalunan at pinagmulan ng tensyon sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at China.

Kinondena ng embahada ang post ni Tarriela, na may banner na “Why China remains to be bully?”, at sinabing ito ay umaatake at naninira sa mga lider ng China. Ayon sa embahada, nilalabag umano nito ang “political dignity” ng bansa at isang lantad na political provocation.

Bilang tugon, sinabi ni Tarriela na ang protesta ay pagtatangkang ilihis ang isyu mula sa umano’y agresibo at iligal na aksyon ng China sa West Philippine Sea. Dagdag niya, ang pagtutol ng embahada ay nagpapakita lamang ng hindi pagtanggap sa katotohanang inilalantad ng publiko.

--Ads--

Wala pang pahayag ang Malacañang at Department of Foreign Affairs hinggil sa isyu.