--Ads--

Nagbigay paalala ang city health office 1 sanpubliko kung papaano makakaiwas sa food contamination at food poisoning ngayong panahon kung saan marami ang handaan.

Ayon sa CHO 1, kalimitan na ito ang naitatala tuwing December break dahil sa mga kinakain.

Ayon kay Janice Albano, isa sa mga staff ng CHO 1, mahalaga na maging miangat sa paghahanda at kinakain ngayong Holiday Season.

Kaya naman, may paalala ang kanilang hanay para makaiwas dito.

--Ads--

Una ay dapat malinis ang mga kamay habang naghahanda ng pagkain sa ganitong paraan ay matitiyak na magiging malinis ang mga pagkain na iluluto.

Tiyakin na nahuhugasan ng maigi ang mga ilulutong pagkain, dapat din maayos ang pagkakaluto ng mga pagkain, sa ganitong paraan ay matitiyak na hindi makakain ng hilaw

Sa pagtatabi naman ng mga iniluto, tiyakin na maayos ang pagkakalagay nito sa mga refrigerator at nakaseparate ang bawat putahe.

Dapat din ay selyado at malinis ang mga container na gagamiting paglagayn ng mga itatabing pagkain.

Ayon pa sa CHO, sakaling makaranas ng pananakit ng tiyan dahin sa mga kinakain, maaring uminom ng mga gamot na pangontra rito.

Kung malala naman ay mas maiging magtunvo sa doktor para masuri ang kalagayan.