--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtanggap ng City Health Office (CHO) ng mga Physician Applicants bilang bahagi ng COVID-19 response ng pamahalaang lunsod ng Santiago.

Sa naging pahayag ni Mayor Joseph Tan, hinimok niya ang mga non board passers na nakahanay sa medical frontline at mga physician licensure exam passer na wala pang work experience na magsumite ng application sa kanilang tanggapan para mapabilang sa grupo ng mga medical frontliners ng pamahalaang lunsod.

Layon nitong mapalawig ang serbisyo ng CHO at maging handa sa maaring surge o posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Santiago.

Kaugnay nito ay dalawang doctor na ang natanggap sa pamahalaang lunsod na makakasama ng nasa limang doktor ng CHO maliban pa sa mga nurses at healthcare Staff.

--Ads--
Tinig ni Mayor Joseph Tan.