Nakahanda na ang Public Order and Safety Division kaugnay sa mga aktibidad na may kaugnayan sa Christ the King Youth Convergence 2025 na ginaganap sa Lungsod ng Cauayan.
Bukas, Nobyembre 23 ay magsasagawa ng prosisyon ang mga delegado ng naturang aktibidad na magsisimula sa Our Lady of the Pillar Parish Church patungo sa Quezon Street, paliko sa national highway tsaka tutumbukin ang canciller avenue pabalik ng simbahan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na upang maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko ay mayroong isasagawang rerouting ang kanilang hanay pangunahin na sa bahagi ng Pillar St., Pamittan St., at Sipat St. na pawang nasa likod ng Simbahan.
Tiniyak naman ni Mallillin na mayroong naka-escort na mga uniformed personnel sa isasagawang prusisyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga delegado.
Samantala, handa na rin ang hanay ng Public Order and Safety Division sa pagdagsa ng publiko sa Lungsod ng Cauayan para sa holiday rush.
Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sa ngayon pa lang ay nagsasagawa na sila ng road clearing sa national highway at poblacion area na kadalasang nakararanas ng heavy traffic.
Kung sakali mang magkaroon ng build up ng traffic ay magpapatupad ang kanilang hanay ng mga counter measures upang hindi gaanong bumigat ang trapiko.











