--Ads--

Naitala ni Football legend Cristiano Ronaldo ang kanyang ika-901st goal sa UEFA Nations League sa koponan nitong Portugal laban sa Scotland (2-1) nitong Linggo ng gabi.

Ang 39-taong-gulang na superstar ay umusad sa 900 club ng may goal sa laban nila sa Croatia nitong unang bahagi ng linggo at muling ipinakita ang kanyang husay kaharap ang confident na Scotland.

Dalawa sa mga dating kasamahan ni Ronaldo sa Manchester United ang nagbukas ng scoring kung saan si Bruno Fernandes ang nanguna ngunit nahabol ni Scott McTominay ng Scotland para itarak ang 1-1.

Off the bench naman si Ronaldo hanggang sa 80th-minute bago ito pumasok at naitala ang game winning goal para maiwasan ang draw.

--Ads--

Ito ay sa pamamagitan ng blistering run ng AC Milan star na si Rafael Leao sa isang deep cross inside the box at dumeretso sa nakahanda nang paa ni Ronaldo para sa easy finish.

Muli namang nasilayan ng fans ang iconic siuuu celebration ng Real Madrid at Man United legend kasama ang kanyang teammates.