--Ads--
Malusog na isinilang sa Cauayan City ang isang bouncing baby boy kasabay ng pagdiriwang ng pasko.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Rodalyn Juan, sinabi niya na nagtungo lamang sila sa Cauayan City para sana magdiwang at hindi niya inaasahang manganganak siya sa mismong araw ng pasko dahil batay sa kaniyang ultrasound sa January 1 pa dapat siya manganganak.
Masaya siya dahil malusog niyang naisilang si Baby Marcus Miguel.
Aniya pasakay palamang siya ng jeep ng makaramdam na siya ng pananakit ng tiyan hanggang sa makauwi ay hindi tumugil ang paghilab ng kaniyang tiyan hanggang sa siya ay nanganak.
--Ads--
Labis naman ang kasiyahan nila na matapos ang siyam na buwan na nasa piling na niya ang kaniyang supling.











