--Ads--

CAUAYAN CITY- Simple lamang ang mga isasagawang Chirstmas Party sa mga paaralan ngayong taon.

Ito ay alinsunod sa inilabas na memorandum ng Department of Education na nag-aatas sa mga pamunuaan ng bawat paaralan magsagawa ng magarbong Christmas Celebrations sa lahat ng DepEd Offices bilang pakikiisa sa mga biktima ng magkakasunod na bagyong tumama sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Benjamin Paragas, Regional Director ng DepEd Region 2, nilinaw niya na hindi naman kanselado ang mga Christmas Parties sa paaralan bagkus ay sisimplehan lang ito sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga gastusin.

Mayroon pa rin namang excahange gift para maramdaman ng mga bata ang diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagbibigayan ngunit hindi naman kinakailangang magarbo ang mga panregalo.

--Ads--

Ayon pa kay Dr. Paragas, hindi sapilitan ang pagsali sa mga Christmas party at pagbabayad ng mga kontribusyon ngunit hinihikayat niya ang mga ito na makilahok pa rin para maramdaman pa rin nila ang diwa ng pasko.