Inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Police Major General Nicolas Torre III ang hahalili bilang bagong Hepe ng Philippine National Police (PNP) simula Hunyo 2, 2025.
Papalitan niya si Police General Rommel Francisco Marbil, na matatapos ang pinalawig na termino sa Hunyo 7.
Si Torre ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagpatupad Class of 1993 at kasalukuyang nagsisilbi bilang direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Dati na rin siyang namuno sa Quezon City Police District at Davao Regional Police Office.
Kabilang sa mga naging malaking operasyon na pinangunahan ni Torre ang pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16 na araw na operasyon.
Noong Marso 2025, bilang pinuno ng CIDG, nakibahagi rin si Torre sa pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan.






