--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela na tututukan nila ang presyo ng face shield matapos ilabas ng Department of Health (DOH) ang Suggested Retail Price (SRP) na naglalaro sa 26.00 hanggang 50.00

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Jeremias Oyawon, Provincial Director ng CIDG Isabela na nakikipag-ugnayan sila sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) upang matiyak na walang mag-overprice sa mga nagbebenta ng face shield.

Kapag mayroon aniyang magrereklamo ay kanilang tutugunan at sasampahan ng kaso.

Sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na reklamo hinggil sa overpriced na face shield.

--Ads--
Ang pahayag ni Lt Col Jeremias Oyawon.