CAUAYAN CITY – Nagpaliwanag ang City Agriculture Office tungkol sa paraan ng kanilang pamamahagi ng binhi at abono sa mga magsasaka sa lunsod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Acting Assistant City Agriculturist Rudy Alejandro, sinabi niya na na para makwalipika ang isang magsasaka sa ibinibigay na binhi at abono ng DA ay kailangang nakarehistro ito sa registry system for basic sector in agriculture o RSBSA.
Ito ang magiging mbasehan na siya ay lehitimong magsasaka ng anumang bayan o lugar.
Ang kaialangan sa pagpaparehistro ay ang photo copy ng titulo ng lupa o tax declaration at maaaring icertify ng mga brgy officials kung saan ang kanilang sinasaka.
Ayon pa kay Acting Assistant City Agriculturist Alejandro, galing ang listahan sa brgy dahil sila ang mas nakakikilala sa kanilang mga kabarangay na magsasaka.
Hinimok naman niya ang mga magsasaka na idulog sa brgy ang kanilang reklamo o nakikitang mali sa pamamahagi ng nasabing binhi at kung hindi ito aaksyunan ng mga brgy oifficials ay saka sila magtungo sa kanilang tanggapan upang maayos ang listahan ng mga lehitimong magsasaka sa lunsod.
Aniya sakali mang totoo ang reklamo ay kailangang ibalik ng nakakuha ngunit wala namang sinasaka ang kanyang natanggap na binhi at ibigay sa tunay na nangangailangan.