Nagsagawa ngayong araw ang City Cooperative Office ng Bamboo Planting Activity bilang bahagi ng National Cooperative Month.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Cooperative Officer Sylvia Domingo, taon-taon na itong ginagawa ng kooperatiba katuwang ang iba’t-ibang non-government organizations.
Ito na ang ikaapat na taon na pagsasagawa ng nasabing aktibidad.
Sa forest region isinagawa ang nasabing planting activities. Target ng opisina ng sampung libong kawayan buhat ng magpasimula ang ganitong initiatiba. Aniya, bukas ito sa publiko na nais makaisa sa susunod na bamboo planting activities.
Ipinag-aanyaya rin ng opisina ang iba pang mga aktibidad na isasagawa sa whole month celebration ng kooperatiba.
Kabilang dito, ang pagsasagawa ng regional summit sa lungsod kung saan matutoto ang miyembro nito.











