--Ads--

Nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Cauayan kaugnay sa gumuhong bahagi ng flood control project sa Barangay Alicaocao noong nakaraang linggo.

Ayon kay Mayor Caesar Dy Jr., agad silang nagkaroon ng sesyon kasama ang contractor ng proyekto upang talakayin ang insidente. Binigyang-diin niya na, batay sa pahayag ni Cong. Toby Tiangco sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, walang direktang kinalaman ang LGU sa flood control projects dahil ang DPWH at ang contractor ang nagkakausap sa oras na mapondohan ang proyekto.

Bunsod ng insidente, nagsagawa ang LGU ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagkasira. Napagpasyahan sa sesyon na ipaiikot sa DPWH ang mga proyekto ng contractor upang masiguro na ang mga ito ay alinsunod sa itinakdang standards ng ahensya.

Samantala, una nang sinabi ni DPWH Secretary Vinz Dizon na pananagutin ang mga kumpaniyang sangkot sa substandard at maanomalyang proyekto, na maaaring humantong sa total ban sa mga mapapatunayang lumabag.

--Ads--

Giit ni Mayor Dy, ang pangunahing layunin ng LGU ay masigurong pakikinabangan ng taumbayan ang mga proyekto ng pamahalaan.