CAUAYAN CITY- Naghahanda na ang City Government ng Ilagan sa posibleng pagdagsa ng mga local tourist sa iba’t ibang tourist destination kabilang ang Abuan River Eco Park.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City information Officer Paul Bacungan, sinabi niya na maliban sa Abuan River Eco Park ay inihahanda na rin nila ang Ilagan Sanctuary dahil naroon ang Stations of the Cross na inaasahang pupuntahan ng mga debotong Katoliko.
Inatasan na rin ang mga CDRRMC na magtayo ng mga tent sa Ilagan Sanctuary pati sa Abuan River na pangangasiwaan ng Rescue team at stand by ambulance.
Nagbigay na rin ng mandato si Mayor Jay Diaz ang bawat Barangay Kapitan na maging handa na ngayong Holy Week.
Nakahanda na rin ang City of Ilagan Medical Center para sa mga maitatalang emergency cases ngayong Semana Santa.
Inaasahan naman nila na mapapanatili nila ang zero drowning incident ngayong taon dahil sa nakaantabay ang life guards at rescuers para sa seguridad ng mga turista.
Ngayong taon ay inaasahan nila ang libo-libong mga turista na dadagsa ngayong taon sa mga tourist destinations sa Lunsod ng Ilagan.
Tiwala naman silang maayos na mapapangasiwaan nila ang daloy ng trapiko ngayong Semana Santa dahil sa maraming mga NGO, mga samahan o asosasyon ang inaasahang tutulong sa traffic management.