--Ads--

CAUAYAN CITY – Abala ang City of Ilagan Police Station sa paghahanda hinggil sa kanilang nominasyon sa Best PNP Station sa buong Pilipinas.

Kung magugunita ay ginawaran na ang nasabing himpilan ng PDEA bilang Best PNP Station hinggil sa pagsugpo sa iligal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan Police Station, sinabi niya na nagsasagawa ng evaluation ang mga opisyal mula sa PNP national headquarters sa kanilang mga proyekto, nagampanan at pagtugon sa mga insidente .

Kasama ang mga paperworks, pagbaba ng krimen, at bilis ng pulisya sa pag-aksyon sa mga reklamo.

--Ads--

Noong una ay nahirapan umano sila sa pag-compile ng mga dokumento dahil kailangang updated kaya lahat ng records ay kanilang binusisi.

Makakatunggali ng City of Ilagan Police Station sa pagpipilian bilang Best PNP Station ang Cabanatuan City Police Station sa Nueva Ecija at San Fernando City Police Station sa La Union.

Aniya pahirapan ang paghain ng aplikasyon dahil kailangang sundin ang mga panuntunan at ibibigay ang mga papeles sa Regional Office na siyang magdadala nito sa national headquarters ng Pulisya.

Umaasa ang City of Ilagan Police Station na papasa sa mga evaluator ang kanilang ginawang paghahanda.