CAUAYAN CITY – Inatasan ng Cagayan Valley Regional Peace and Order Council o CVRPOC ang lahat ng City at Municipal Peace and Order Council sa region 2 na maging alerto sa kani-kanilang lugar.
Sa abiso na ipinalabas ni Gov. Bojie Dy ng Isabela at siya ring chairman ng Cagayan Valley Regional Peace and Order Council, kailangang maging mapagmatyag ng mga City at Municipal Peace and Order Council Chairperson para sa matagumpay na pagdaraos sa bansa ng Association of Southeast Asian Nations ( ASEAN ) Summit .
Ayon kay Gov. Dy, ang anumang impormasyon at kaalaman kaugnay sa seguridad ay kinakailangang ipagbigay alam sa mga otoridad at iba pang kinauukulang sangay ng pamahalaan.
Ang hakbang na ito ng Cagayan Valley Regional Peace and Order Council ay bilang pagsuporta sa 31st ASEAN summit sa ating bansa na dadaluhan ng mga world leaders tulad ni US president Donald Trump.




