--Ads--

CAUAYAN CITY – Inanyayahan ng Pamahalaang Panlunsod ng Ilagan ang mga mag sing-irog na makiisa sa gaganaping Kasalang bayan 2024 sa araw ng mga puso sa buwan ng Pebrero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan sinabi niya na ang kasalang bayan ay taon taon na ginagawa sa Lunsod mula pa noong 2007, at hindi bababa sa tatlong daang mga mag sing-irog ang nakikiisa sa naturang selebrasyon.

Ang kasalang bayan ay libre at tumutulong ang Pamahalaang Lunsod sa pag proseso at pagpaparehistro ng kasal ng mga makikiisa sa kasalang bayan.

Sa mga nagnanais na makiisa sa kasalang bayan makipag ugnayan lamang sa City Civil registry para sa mga requirement na kakailangan sa gagawing kasal.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay naki pag ugnayan narin sila sa City of Ilagan Gay Association para sa libreng make over para sa mga bride at groom.

Sasagutin na din ng City of Ilagan ang sing sing para sa seremonyas at mayron ding libreng pagkain para sa mga ikakasal.

Highlight tuwing kasalang bayan ang longest kiss ng mga bagong kasal.