CITY OF ILAGAN – Isinailalim na sa State of Calamity ang lunsod matapos na umabot na sa mahigit 17,000 na tao ang apektado ng mawalakang pagbaha sa dalawampu’t pitung barangay at maari pa itong madagdagan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City Disaster Risk Reduction Management Office o CDRRMO umabot na sa 3,326 na tao o 973 Families ang pansamantalang nanuluyan kagabi sa dalawampu’t limang Evacuation Center.
Umabot sa dalawampu’t pitong Brgy. ang nabaha sa Lunsod kung saan 17,477 na tao ang apektado habang labing-isa ang isolated na Barangay at nasa 15,916 na indibidwal ang naapektuhan.
Nakapagtala naman ng Landslide sa Fugu Namnama Road bagamat nananatiling accessible ang daan habang hindi pa rin madaanan ang Baculud, Cabisera 8 at Cabisera 3 Bridges.
Samantala nalubog sa tubig baha ang mga daan sa Cabisera 23, Cabisera 4 at Cabisera 5, Aggasian-Centro San Antonio, Fugu, Santo Tomas Circumferential Guinatan Osmeña at Bagumbayan Baculud.
Nawalan na rin ng tustos ng kuryente ang ilang bahagi ng San Vicente, Marana 2nd, Alinguigan 2nd, Santo Tomas at Camunatan.
Sa ngayon ay umabot na sa anim na milyong piso ang naitalang pinsala sa agrikultura batay sa initial assessment at maaari pa itong madagdagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Josemarie Diaz sinabi niya na biglaan ang pagtaas ng tubig sa mga low lying areas kabilang ang Aggassian, Alibagu, Alanguigan 2nd, Alanguigan 3rd, Bangag, Bagumbayan, Baligatan, Cabisera 23, Calamagui 1st, Calamagui 2nd, Camunatan, fugu, Guinatan, Manaring, Marana, Osmenia, Rang-ayan, San Felipe, sindun Bayabo, Sipay, San vicente, Santa Barbara at Sto. Tomas.
Unpassable na ang Baculud Bridge, Cabisera 8 overflow Bridge, at Sifu bridge.
SAMANTALA Tiniyak naman ni SP Member Jay Eveson Diaz na nakaalalay ang pamahalaang Lunsod sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa tulong ng DSWD at CDRRMO.
Nagbigay na rin sila ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa mga evacuees ang pamahalaang lunsod ng Ilagan.