--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ni City Veterinarian Dr. Ronald Dalauidao na patuloy at todo ang monitoring sa mga manukan upang hindi madapuan ng bird flu.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Dalauidao, nagbigay na sila ng abiso sa mga may-ari ng poulty farms na kung may kakaibang makita sa kanilang mga manok ay agad na ipagbigay alam sa tanggapan upang agad na masuri.

Inatasan na rin ang kanilang mga field technicians na magtungo sa mga nagbebenta ng manok upang alamin kung saan nila inaangkat ang kanilang mga poultry products.

Kinumpirma rin ni City Veterinarian Dalauidao na ang Cauayan City ay ligtas sa bird flu at wala rin sila namomonitor na migratory birds na napapadako sa kalunsuran.

--Ads--

Nilinaw din ng City Veterinarian na ligtas pa ring kainin ang mga poultry products ng lunsod basta lutuin lamang ng mabuti.

Hinikayat din nito ang publiko na kung may makitang migratory birds ay agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.