CAUAYAN CITY- Hinimok ng City Veterinary Office ang mga pet owners sa lungsod ng Cauayan na agad makipag-ugnayan sa tanggapan sakaling mayroong umusbong na sakit ang kanilang mga alaga.
Kaugnay umano ito sa sakit ng mga alagang aso na hindi naipaparating sa nasabing tanggapan.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Ronald Dalauidao, sinabi niya na hindi malalaman ng tanggapan kung may outbreak o kumakalat na sakit sa mga hayop partikular sa aso kung hindi naman maipaparating sakanila ang mga impormasyon.
Sa kabila aniya ng kanilang pagbisita sa mga barangay ay wala ni isang nakipag-ugnayan sakanila kahit pa man tinitiyak ng kanilang tanggapan ang sapat na suplay ng gamot at vaccine para sa mga hayop.
Pinaaalalahanan ang mga mayroong alagang hayop na humingi ng tulong sa mga kawani ng kanilang ahensya upang maimbestigahan ang mga sakit.
Personal naman aniya na bibisita ang mga kawani ng City Veterinary Office sa kanilang lugar kaya tiyak na hindi sila mahihirapan na i byahe pa ang kanilang mga alaga.











